* TSSSSSSSSSSSSSSSSSS *
hays. sarap talaga umihi. HAHA. haba nga ng ihi ko e. pano ba naman! unang sinerve sakin iced tea. sa sobrang kagutoman ko, naubos ko yung inumin ko. HAHA. wala pa kasi akong napipiling kainin. kaya, iced tea muna binigay sakin. lumabas ako dun sa CR.
"KARYLLE KAYE CRISTINE REYES!" eh? full name ko yun ah! HAHA. parang familiar.. parang.. si Tobi lang..
* FLASH BACK *
humarap ako sa kanya, "bakit, Tobi Dee Soriano?" full name tawag niya sakin e! edi full name din tawag ko sa kanya! "sorry." tapos ngumite siya. WAA. bakit ba sa tuwing ngingite siya napapangite din ako?? o_____O
* END OF FLASH BACK *
Nung time na yan.. Kami na.. Nagalit ako sa kanya pano laging DOTA, DOTA, DOTA. Isalpak ko sa mukha niya yung DOTA e! Kwento ng kwento tungkol sa laban nila sa DOTA. May butterfly, stun, yasha, sanga, panda, kung anu-ano pinagsasabi niya! Kairita tuloy e. HAHA. as if naman na may alam ako dun. Tapos sabi pa niya, "Grabe Beb! Ang imba nung nakalaban ko sa shop!" IMBA?? THE HECK! tinatanong ko sa kanya kung ano yun. sabi ba naman, "hindi mo alam yung imba? ano yun, imbalance!" ano naman kung imbalance?? HARSH! namatay na nga siya lahat-lahat, hindi ko pa din alam kung ano ba talaga yung imba na yan! Kaasar!
umupo na pala ako sa table ko, kasama ko na si Winwin. siguro gutom na to. HAHA.
"ano order mo?" aish! sabay pa tuloy kami.
"may napili nako. ikaw?" tanong niya sakin. siguro lagi tong nakain dito kaya alam na alam yung mga pagkain dito! pangsecond ko na tong kumain dito e. yung una kasama ko si Tobi. yung inorder pa nga niya nun Bento 1. HAHA. favorite niya kasi yun e. >_____< haaaaays. ano kaya masarap. lahat naman masarap ee.. eto nalang!
"Bento 2 akin." sabi ko sa kanya. pumili agad siya dun tapos bumalik din. hindi kami nagiimikan. tahimik lang. oh well, mas trip ko nga to e. HAHA! wala lang, senti lang sa mall. XD
dumating na din yung order namin. napatingin ako sa order ni Winwin. so familiar..
"Bento 1?"
"Mm-mm." tapos nagnod na din siya habang sinasabi niya yun."heh, naalala ko tuloy si Tobi.."
[ Win's POV ]
si Tobi? ako na nga kasama mo ngayon e, si Tobi pa din nasa isip mo. kelan mo ba ako mamahalin?
"Sabi niya kasi sakin, ang pinaka favorite niyang pagkain sa mga kainan.. Bento 1." napatingin ako sa kanya.. malungkot siya.
"talaga? favorite ko din e." nagulat nalang siya sa sinabi ko.
habang nakain kami, nagkwekwentuhan lang kami. para wala na ngang bukas e. HAHA. tapos nag QA portion kami. HAHA.
"favorite number, color, place, hobby, hates, and loves.." grabe! dami ah! HAHA.
"number - 21, color - green, place - shop, school, mall, bahay, hobby - DOTA, tulog, kain, hates - ipis, and loves.. ikaw." reaction niya -> O_____________________________O
"bakit??"
"favorite number, color, place, hobby, hates, parehas kayo!" eh? nino? "si Tobi!" OH-KAY. nagbabasa ba to ng brain? or something? can somebody help me! grabe! ano yun? parehas kami ng Tobi niya??"eh yung loves?"
"loves? ano ba sabi mo? hindi ko narinig e." ANO?! buti nalang! WHEW."ah.. ano, DOTA!" yung mukha niya na ganto -> ^_______________^ naging -> :|
eh?
"PURO KAYONG DOTA! ANO BA MERON SA DOTA NA YAN! MAY NAPAPALA BA KAYO DUN?!" oo nga no, may napapala ba ako dun? Ay meron! kapag nagpustahan kami ng mga tropa ko. HAHA.
"uhmm.."
"tera uwi na tayo! inaantok na ko e!" nagdial siya sa phone niya.
Tumayo na siya tapos lumabas na kami habang hinihintay yung kotse. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa DOTA?"
"WAG NA WAG MONG BABANGGiTIN YANG WORD NA YAN! KUNDI NAKO! PAPASLANGIN KITA!"
*gulp*
grabe, katakot tong babaeng to! HAHA. "okay.. uhmm.. bakit ba ang init ng ulo mo sa DO--" ang sama ng tingin ni KC sakin. "sa.. sa.. LARO!" laro naman yung DOTA di ba?