• Chapter 1 •


[ Win's POV ]

* RIIIIINNNNNGGG! *

"What time is it? Summer time!--"

whooops. definitely not my type of song. XD let's rewind 'that' song.

"--!emit remmuS ?it si emit tahW"

HAHA. anyway, YES! school's out! SUMMER NA! YES NAMAN. HAHA.

bago ako umuwi. Dahil ako ay dakilang gwapo, pogi, at cute. Hindi lang yun! Dakilang dancer. HAHA. madaming nagpapapicture sakin. 

* CLiCK! FLASH * CLiCK! FLASH * CLiCK! FLASH *

wooooah. kabulag. HAHA. iba na talaga ang gwapo. btw, hindi pa ako nagpapakilala sa inyo no? ako nga pala si--

"HOY ARWiN GiNO REALONDA!" 

OH GREAT. ayun, nasabi na niya. HAHA. panira ng interview! ARGH.

"ano?!"
"may swimming farwell party mamaya. punta ka ha! kela Ronnie! Hanggang bukas tayo dun." edi dun kami matutulog?
"may kwarto ba sila?" kasi naman, ang dami namin sasama niyan. tapos san kami matutulog?
"Duh! may 3 guest room sila. 6-8 kasya dun. mga 20 plus sasama e."
"aah. sige, go ako. HAHA. sige, kita kits nalang!"

umuwi na din ako. mag-aayos na ako ng gamit. grabe, summer na agad. e kung makipag summer fling ako? mukhang exciting yun. HAHA. malapit na mag5 nun. kaya nagmadali agad ako. baka sapukin ako nung mga yun. HAHA. sana may girls. makikipagflirtan ba? JOKE. hindi ako ganun tao no. XD umalis na ako sa nirerentahan kong bahay.

5 pm. Ronnie's place.

"Ey, Win! Kala ko hindi ka makakapunta."
"Tss. Ako? Party people kaya ako! HAHA." NOT. XD
"Tara! Nandun sila sa labas, nag-iinuman." sumunod naman ako. 

ayun, naginuman na kami. ang saya nga e. nahulog sa pool si Ronnie. HAHA. tapos sinagip siya ng mga kaklase ko. ayun, lahat sila mga nalunod. mga feelingero na maging heroes e. HAHA. yung isa naman na sayaw na parang walang bukas. yung iba, tulog na. yung mga girls naman, mga nagswiswimming. mga nakabikini nga e. Mga OH-SO-HOT-SEXY-BABES. :))

yung mga kainuman ko tumba lahat. HAHA. ako nalang natira. e ang boring na kaya sumugod ako dun sa pool. HAHA. pagkatalon ko, hinampas ako nung babae. hindi ko siya kilala.

"eww! amoy alak ka tapos susugod ka dito sa pool? makaalis na nga! kadiri."
"edi umalis ka! pake ko sayo." HAHA. eto ang bad epek ng inom sakin. nagiging bad ako. XD out of control. HAHA.

Kinabukasan..

ang sakit ng ulo ko. ang dami ko ba naman nainom e. HAHA. inayos ko na gamit ko, ngayon kasi uwi ni kuya. walang susi ng bahay yun. Kawawa siya maghihintay siya. HAHA! kaso baka bugbugin ako. wag naman! masisira ang aking OH-SO-HANDSOME-CUTE-FACE ko. wag na kayong umangal. Anyway, bumaba agad ako then nag-iwan ng note na umalis na ako. Grabe yung mga babe, dito natulog sa sala. HAHA. mga nakabikini pa din. Kadiri. Buti pa ako nagpalit pa.

Lumabas ako ng bahay nila Ronnie. Ah, fresh air. Medyo nahihilo ako at medyo hindi clear ang aking paningin. blur nga e. tsk. dapat uminom muna ako ng kape or something na mainit sa tyan. sa bahay nalang! kaya ang lakad ko? pasway-sway. kembot dito, kembot dun. Hindi ko alam kung tama ba yung dinadaan ko. then suddenly I bump into something.. 



POSTE?!?