[ KC's POV ]
Kakatapos lang namin kumain. Ang bored naman dito eh. Ano kaya magawa?
"Winwin. Swimming tayo." yun ang unang lumabas sa bibig ko. HAHA.
"eh?" bingi ba to?!
"Sabi ko, swimming tayo. tera!" hinila ko siya palabas sa likod. pagdating namin dun. tumingin ako kay Win. Ngumite lang siya sakin. "pano kaya tayo makakapagSWiMMiNG, Win? Kung.. SOBRANG DUMi ng pool no? Pano kaya? Hmm.." tinaas ko kilay ko.
"tss. SORRY! eto na, lilinisin ko na nga e." humiga muna ako sa recliner. tapos sinuot ko yung shades ko habang nagsosoundtrip.
"hoy KC. Gusto mo bang magswimming. as in now na?"
"oo naman! Duh?"
"tch. e kung tulungan mo ko sa paglinis e? edi makakapagswimming ka na!" umupo ako. tinaas ko shades ko parang hineadband ko. "inuutusan mo ko?" tinaas ko kilay ko.
"oo. ano pa nga ba?" aba! tumayo naman ako. inagaw ko sa kanya yung panglinis ng pool. yung parang net, tapos hahakutin ko yung mga dumi sa pool.
"good." kinuha niya yung isang spare ng panglinis. dahil ako'y matinong tao. WAHAHA. >:)
pagkahakot ko ng mga dahon, dumi, etc. etc. hinagis ko sa kanya. HAHA!
"hoy! aba! ganunan gusto mo ah? sige! game ako dyan!" NAKO LAGOT! HAHA. takbo naman ako. HAHA. humakot siya tapos hinagis sakin. waa! ang dumi ko na! huhu. T.T binaba ko na yung panglinis. kinuha ko yung hose. HAHA.
"patay ka sakin ngayon!" binasa ko siya. HAHA. tapos hinahabol-habol ko siya.
"hoy! walang ganyanan! madaya to!" HAHA. bleeh. :))
takbo dito, takbo dun. grabe, kapagod. tumigil muna ako sa pagtakbo.. "eh? nasan yung lalaking yun? Win? Winwin??" aish. tamo, KJ e. tsk.
"BULAGA!"
"AAAAAAHHHHH!" ayun, nahulog ako sa pool. tsk. nagulat ako e! tapos napaatras tuloy ako. amp ah! grr. anyway, malinis naman yung pool. HAHA.
"ang daya daya daya daya daya mo! ikaw na pinakamadayang lalaki! AMP!" tumawa lang siya. amp! nagcross arms ako tapos sumimanggot ako. aish!
"sorry! oh eto." inalok niya kamay niya. YES. this is my time! WAHAHA. >:) kinuha ko.. and then what?
* SPLAAAAAAAASH *
HAHA. nahulog din siya. hinatak ko kasi siya pababa! HAHA!
"ikaw pala madaya ee!"
"same lang tayo. bleeh. REVENGE ko lang yun! HAHAHA!" tapos ayun, naglaro kami. HAHA. di nga namin namalayan yung oras e. napansin ko nalang madilim na. kaya umahon na kami. grabe, kapagod. o.0umupo muna kami dun sa recliner. habang nagpapatuyo at nainom ng coke-in-can. HAHA. nagopen ako ng pwedeng pag-usapan namin.
"alam mo ba? yung araw ng monthsary namin.. araw din yun pagkamatay niya."
Reaction niya - O.O ang cute e. HAHA.
"totoo yun. kaya nga nung 28.. hindi ko alam kng anong mararamdaman ko. masaya kasi monthsary namin.. malungkot kasi.. death anniversary niya." hindi siya sumagot.
"kaya, nanghingi ako ng sign kay Lord. Na kung para ba talaga kami sa isa't isa. kasi, iniwan ako ni Tobi e. iniisip ko na siya yung magpapasaya ng buhay ko. ganun. kala ko nga forever e, pero nauwi rin pala sa wala.."
"ano yung sign na hiningi mo?"
"kapag dumating yung sign na yun.. anong gagawin mo?" ano nga ba?
"siguro magmomove-on nako, tapos..
maghahanap ng bagong mamahalin.."