• Prologue •

[ KC's POV ]

"Whenever you remember times gone by
Remember how we held our heads so high
When all this world was there for us
And we believe that we could touch the sky
Whenever you remember, I’ll be there
Remember how we reached that dream together
Whenever you remember"


2 minutes nalang Tobi.. 2 minutes..


11:58 in the evening. nakikinig ako sa themesong namin, namimiss ko na talaga siya.. hindi pa kasi ako nakaget over sa nangyari. It was like stuck in my head. so, nasa terrace ako ngayon. nakatingin sa langit..

"haaay. ang ganda ng mga stars.. san ka kaya dyan?" 

feeling ko nahahawakan ko yung mga bituin.. mga bituing yun.. nakatulad ng mga ngite niya.. mga ngiteng hindi ko makakalimutan. mga ngiteng natutunaw ako tuwing nakikita ko. mga ngiteng nagpapamahal ako sa kanya. mga ngiteng.. nagpapasaya sa araw ko..


pero mag-isa nalang ako.. naging dull ang buhay ko. walang kabuhay buhay. tama nga siya, dapat hindi ko nalang siya minahal.. pero pano? biglang kumilos mag-isa yung puso ko e. hindi ko mapigilan ang bawat tibok ng puso ko. sabi ko, wag nalang siya.. wag nalang.. pero wala akong nagawa. wala.


* DOOOOOONG *


tumunog na yung orasan naming antique. it's already time..


"happy death anniversary Tobi.. and.. happy Monthsary.." hindi ko makontrol yung feelings ko. kaya naluha ako bigla. tumingin ako sa langit. 

"2 years & 6 months..  I love you so much.. I promise, ikaw at ako lang forever. tandaan mo yan ah? hindi kita.. iiwanan.. promise yan.. Thank you for watching me. I appreciate it." tumigil ako. halo halo yung nararamdaman ko. matutuwa ba ako kasi 2 years & 6 months na kami. malulungkot kasi ngayon yung araw na nawala siya. grabe yung kapalaran na natanggap ko. talagang ensakto!

"I'm so sorry for all the mistakes I made. I really miss you a lot.. Always remember.. My love for you is infinite.." napaluhod nalang ako dun sa sahig.. hindi ko pa din tanggap e. na.. nawala na siya. 

Lord, 
alam niyo naman na masaya kami.. 
hindi po ba kami para sa isa't isa?
bakit ganito?
bigyan niyo naman ako ng sign..
sign na hindi talaga kami..
please?


"kapag may dumapo na butterfly sakin. sign na talaga yun.." tumayo agad ako para pumasok sa kwarto ko.


humiga ako sa kama ko. yung pwesto ko nakaside. i know he's here.. because I can feel him..


"Good Night Tobi.." 

pinikit ko yung mga mata ko. naramdaman kong may lumapit at umupo sa kama ko. pinat niya yung ulo ko tapos he whisper to my ears..


"Good Night KC.. Sleep well.." those words.. matagal ko nang hinihintay.. I knew it, hinintay pa niya talaga mag one year later para kausapin ako.. 



And I was happy in that moment. :)