• Chapter 3 •

[ KC' POV ]


"Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya, aleluya, aleluya!"


ayun. tapos na yung misa. habang inayos ko na yung mga gamit ko.

"nice shot guys! next saturday ulit. don't be late! wag niyong gayahin si KC!" aba! ano ako? bad influence eh? ngayon lang ako nalate e!
"sige Kuya Stan! Ganyan ka na ah! inaaway mo ko!!"
"lagoooot! HAHA. patayin ka ng nanay niyan ni Ate KC, Kuya Stan!" hindi naman ganun si Mama e. HAHA. over mga to! tinatakot lang si Kuya Stan. HAHA.
"HAHA! Sige Kuya Stan! Jollibee pa kami!" eww? Jollibee? Sabagay, mga bata pa e. HAHA.
"Oy! Bawal malalamig na inumin!!"
"Yea. Whatever Kuya Stan!"
"Sige kayo! Masisira image ko niyan."
"Image e? Feeling ka."
"Umuwi ka na nga!"

then umalis na ko sa simbahan. bwisit yun. HAHA. habang nag-aabang ng tricycle nagring yung phone ko!

* TUGS TUGS TUGS TUGS *

HAHA. astig yung ringtone ko no? dinownload ko lang sa net. XD


"Hello?"
"Anak." 

oh, si Mama. ngayon lang siya ulit nakatawag. after 5 months ata siya natawag e. hays. si Mama kasi nasa Canada. Ewan ko kung anong trabaho niya dun. 1st Year palang ako, nandun na siya. 4th year nako sa pasukan hindi pa din siya nauwi. Sad eh no? Yea, it's true. But I still love her. I'm always here to support her. :)


"po?"
"baka next year pa ako maka-uwi dyan.." hays. lagi nalang ganun. "nagpadala ako ng pera kay Manang, sinabihan ko na din na magbakasyon siya. uuwi muna daw siya sa probinsya niya. okay lang ba sayo?" okay lang.. pero mas masaya kung nandito kayo di ba? hays.
"okay lang po."
"by the way, nag-email sakin yung friend ko na yung anak niya gustong magsummer job. siya yung mag-aalaga sayo. sabi ko okay lang, basta ayusin niya trabaho niya. magsastart siya by.." ah, so may papalit kay Manang. 

sino naman kaya yun? girl or boy? kung boy sana gwapo. HAHA. kung girl.. sana kaage ko para may kabonding naman ako. di baaaa?


"tomorrow."
"bukas?! ang bilis naman ah!" magsasalita na sana si Mama kaso tinatawag na ata siya ng boss niya.
"sige Anak, mag-iingat ka palagi. i miss you. i love you. babye." then binabaan na niya ako.

hindi man lang ako nakapagbabye. nakapagsabi ng 'i miss you too' pati 'i love you too mama'. hindi ko man lang natanong kung okay ba siya. pati nga kung anong kinakaabalahan niya. yung mga kailangan niya. kung masaya ba siya. hays.






"bakit ba kasi ganito buhay ko? aish! maka-uwi na nga!" tapos nagpara ako ng tricycle.